You are viewing [info]ralphrap's journal

January 2009

S M T W T F S
    123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com

Previous 10

Jan. 4th, 2009

simula?

Nakakatawang isipin na ang huli kong pagsulat dito ay noon pang April 2008. Eeek. At talagang emo post pa yun. Hehe.

Bilang pagbabalik loob sa LJ, at dahil naiinggit ako kay 
[info]kaarbeen , dito ko na gagawin ang mga Thank You's ko for 2008.

1. Someone Up There
- Dahil malusog ako. Dahil may bubong sa taas ng ulo ko. Dahil nakakakain ako ng maayos araw-araw. Dahil may trabaho ako. (Actually, dahil sa lahat ng mga bagay-bagay na nagaganap sa buhay ko. Hehe.) Higit sa lahat, dahil pinahihintulutan mo pa rin ang isang tulad ko na mabuhay sa mundo. Salamat po! ^_^

2. Mama, Mutya, Dave, Erika, Gerald
- Dahil sa mga kaganapan nitong pasko lang, masasabi kong suwerte ako at kayo ang naging pamilya ko. (Siyempre kasama si Papa dito na nasa langit na ngayon.) Salamat, salamat, salamat sa pagmamahal at pagtanggap.

3. SWAT
- Dahil sa inyo, wala pa ko sa mental ward ngayon. Hehe. Inuman. Kainan. Lakwatsa. Bounce bounce. Videoke. Emo moments. Lahat na. You make coming to work something to look forward to every day.

5. Ish, Jan, Alex, Mike
- Dahil binigyan nyo ko ng pagkakataong maging parte ng isang grupong alam kong maari kong pagkatiwalaan. That fateful night on top of the roof will always hold a special place in my heart. Salamat Bubong pips. ^_^

4. Eia, Ivan, Eio, Glai, Alen, Haz
- Dahil magkakaibigan pa din tayo sa gitna ng lahat ng mga kaganapan. Alam kong madaming taon pa tayong bubunuin and that's something I'm really looking forward to.

5. Arvin
- Dahil ikaw ay ikaw. Ikaw na yata ang taong alam ang (halos) lahat tungkol sa akin. Salamat at nakilala kita at higit pa diyan, salamat at naging matalik kitang kaibigan.

6. You who must not be named
- Dahil madami akong natutunan sa sarili ko dahil sa mga nagawa mo sa akin noong nakaraang taon. Di man tayo naging tayo, di mo man ako pinatulog ng ilang gabi, at kahit na di na kita tinuturing na kaibigan ngayon, salamat pa din sa pagmulat sa king mga mata di lamang tungkol sa kin, pero pati na din sa maraming reyalidad ng mundo.

Patay. Di ko alam kung may nakalimutan ako. =| Hehe. I-e-edit ko na lang tong entry na to pag nagkataon.

2009 na nga. Excited na ko sa maraming mga bagay. ^_^
</span>

Apr. 15th, 2008

gulo?

Damdami'y gulung-gulo.

Hay. Ewan.

Akala ko nung una, kapag may bago akong ginawa, may bago ring resulta. 'Yun din naman kasi ang palaging sinasasabi sa 'kin. "Baka naman kaya hindi nag-iiba ang sitwasyon dahil iisa lang ang ginagawa mo, paulit-ulit." May punto nga naman.

Heto naman ako, sunod lang. "Sige. Bakit nga hindi? Wala nang pride-pride. Ibahin natin ang sitwasyon."

Pero anong naganap? Ganun pa din. Walang nagbago.

So wala talaga sa sitwasyon. O sa kung anumang kaganapan.

Nasa akin talaga bilang isang tao.

Mar. 8th, 2008

tanong?

"It's painful to fall in love with someone who has someone else especially if you tried everything to ignore the feelings. Worst, if that someone made you feel as if you're someone special. But then you're just special and never would be loved."

EMO!!!

Haha! Tapos tatanungin ka kung na-in-love o nagkagusto ka na ba sa taong hindi pwede? Ano ba...

May tao bang hindi pa naranasan yun? 

Oh well, ganun talaga. Not much we can do about it. Hehe.

Inumpisahan ng quote, tapusin natin sa pamamagitan ng kanta:

"At kung hindi man dumating sakin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
'Wag mo lang ipagkait, na ikaw ay aking mahalin."

Yun lang. =p

Feb. 25th, 2008

gulat?

Heto ang isa mga rason kung bakit sulit ang hindi pagkain ng kanin, ang pagpapawis sa gym at paglalaro ng badminton. =p

(Background story: Kaklase ko si Eky sa Comm3 back in UP. Last saw her 4 years ago. =p)

Excerpts from our chat session kagabi (* = editted bleep words. Haha!):

rap: how do you remember me ba?
eky: well you were chubby :P
rap: hmmm
rap: haha
rap: matatawa ka
eky: dude you're in my friendster list
eky: p*t*
rap: :))
eky: profile pic pa lang eh
eky: t*ng*n* pano nangyari yan!

rap: =))
eky: HAHAHA
rap: i knew it...
eky: teach me! teach me!
rap: I love the reaction man...

At heto pa...

eky: haha
eky: t*ng*n*. nag adik ka sa gym!?
rap: I try
rap: haha
rap: and yun  nga
eky: haha
rap: remember that Atkins diet speech?
eky: pramis! it's not how i remember you!
eky: OMG

eky: yes yes now i remember
rap: since then, I haven't eaten a single grain of rice
rap: :D
eky: f*ck.
eky: di ko kaya itoooo
eky: haha
eky: masarap ang rice eee
eky: haha

I love it... Nyahaha! =p

Jan. 4th, 2008

saya?

At heto na nga ang mga mensaheng bumuo sa aking 2007!

punta na!

Sa madaling salita, tamad lang ako gumawa ng maayos na lj post. Ahehe.

Maligayang bagong taon sa lahat!

Dec. 11th, 2007

hectic?

Grabe. Ngayon lang ako naka-experience ng ganito ka-tight na weekend schedule.

Thursday, Dec. 6 -
HP WSNT-BIDS Christmas Party, Green Meadows, ended past 12 am
Friday, Dec. 7 -
GWeb Offsite, Gotcha! Antipolo + Club Manila East Taytay, call time: 6 am
Saturday, Dec. 8 -
Pangasinan Trip, sinundo ako from the offsite 4 am, ended 2 am ng Sunday, nakarating ng Manila, 6 am
Sunday, Dec. 9 - 
Euan's Baby Shower, Marikina, started 2 pm

Ameysing... Haggard kung haggard, pero uber saya. Hehe...

Ayos din kasi na-claim ko na din ang aking Starbucks planner. Woohoo!!! Tapos na ang gastos sa kape at tsaa. Haha! 

----------

Kaibigan, mukhang active na talaga ang love life mo. Aminan na to, naiinggit ako. Pero ayos yan. Go lang. Hehe. Balang araw... Wala lang. Balang araw lang. Haha! God bless and good luck on that aspect. =p

Nov. 22nd, 2007

katuparan?

at heto na nga ang bago kong job description:

Technology Consultant
HP-Asia Pacific

haha! wala lang...

now working at SMPC in Ortigas. =p

Oct. 26th, 2007

progress: the completion?

Woohoo!

Natapos din...

Major, major update soon.

Super ecstatic, sorry. =p

Oct. 15th, 2007

moments?

Ikaw,

Oo, ikaw.

Alam mo, nung weekend ko lang naisip na kung may tao pala akong dapat kinukuwentuhan nang mga naganap sa akin lately, ikaw yun.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko napagtanto yun noon pa.

Hmmm... Come to think about it, alam ko pala. Hehe.

Naisip ko kasi, sobrang mabait kang tao. And by "mabait", I mean baka hindi ka na gaya nung una kong pagkakakilala ko sa yo. (Remember, back then, nung madalas na magkakasama pa tayo.)

Nakakatawa.

Hayaan mo, kapag nagkuwento na ko, wala akong iiwanang detalye. Huwag mo lang sasabihing "mahaba ang buhok" ko. (Kahit medyo totoo... Haha!)

Basta ayun.

Sa tamang pagkakataon.

----------

Isang gabi...

Ganda: I doubt if you ever consider yourself stupid...
Ako: Ngi, palagi kaya... Haha!
Ganda: You know "Hinding Inside Myself" by Kenny Rankin?
Ako: Familiar pero hindi ko kabisado lyrics. Why po?
Ganda: Wala lang, baka maka-relate ka sa lyrics.

So Google naman ako. At heto na nga:

Kenny Rankin - Hiding Inside Myself

I've been so alone all my life
I couldn't give my heart to anyone
Hiding in myself was a man
Who needed to be held like everyone

The days moved into years
I look for warmth between the tears
It never ever found me
Never ever found me
Yes, I did seem to grasp at straws
They surely broke all the time

So I hid inside
(Till) I almost died
Yes I hid inside and I cried
A loving heart in a sensitive man
Hiding inside myself

Then you came out of nowhere
I could not believe my heart
I didn't know how to tell you
Didn't know where to start
I know you understand

When I hid inside
I almost died
Oh, I hid inside and I cried
A loving heart in a sensitive man
I know you'll understand

I love you...

...

May ganun talaga?!?

Uhm, bakit? Ganda, hindi ko gets...

----------

P.S. Bakit nung una mo siya pinakita sa akin hindi naman siya ganoon "kagandahan"? Haha! Gets ko na ngayon kung bakit mo siya super like. Hihi.

Oct. 1st, 2007

sipag?

Kanina, mga 1 hour ago, i-a-update ko sana tong lj ko. But no, Ingles na mga salita ang nasimulan kong isulat. Shet, sabaw na tuloy utak ko. Nosebleed.

Dahil tinatamad akong mag-translate (Haha!) at dahil ayoko mag-cross-post, i-link na lang natin!

Heto ang link kung sinisipag kayong magbasa.

Yun lamang. =p

Previous 10